Uy, Naliligaw Ka Ba? :-)

Wednesday, September 13, 2006

a-tapang a-tao

Hindi lahat ng ayaw manood ng horror ay duwag. Sa parehong paraan, hindi rin lahat ng mahilig manood ng horror ay matapang. Alam ko dahil isa na ako dun. Oo, matatakutin ako. Kaya nga mahilig akong manood ng horror dahil madali akong matakot. Para sa akin kasi, mas masaya at mas kumpleto ang karanasan ko sa panonood ng horror dahil meron akong takot na nararamdaman. Malabo ba? Isipin mo, kung wala kang sense of humor at pumasok ka sa isang comedy bar, sa tingin mo ba matutuwa ka? Kulang di ba? Sayang lang ang pera. Parang ganun din ang nararamdaman ko kapag hindi ako natakot -- para akong sumakay sa isang rollercoaster at hindi umakyat sa lalamunan ang sikmura ko, para akong pumunta sa isang eat-all-you-can restaurant at hindi ako nabusog at para akong uminom ng isang case ng red horse at hindi ako nalasing.

Sa aking karanasan, iba-iba ang reaksyon ng mga tao kapag nanonood sila ng nakakatakot. Merong mga pumipikit, nagtatakip ng mata o kaya naman lumalayo ng tingin. Meron ding kumakapit sa braso ng katabi nila na para bang humihingi ng tulong. At meron ding tumititig talaga sa screen at hindi umiiwas ng tingin. Pinakagusto ko diyan yung huli. Bagama't kasama ang mga ito sa lahat, sa huli ko lang talaga nararamdaman nang buong-buo ang paghinga nang mabilis, ang paglakas ng tibok ng puso at ang pagpawisan nang malamig. At kung game pa ang ibang nanonood sa sinehan, minsan sumisigaw din ako. Panalo yun! Sulit ang bayad.

Pero ang pinaka kakaibang reaksyon na siguro na nakita ko sa panonood ng nakakatakot ay nakita ko sa kaibigan kong si Jay. Imbes na nagtatakip siya ng mata, iba ang ginagawa niya. Gamit ang hintuturo ng magkabilang kamay, tinatakpan niya ang kanyang mga tenga para wala siyang marinig. Epektibo nga naman dahil isa sa mga paraan na ginagamit ng mga direktor para takutin tayo ay ang paglapat ng mga nakakatakot na tugtugin at nakakagulat na sound effects. Pero hindi na ulit ako tatabi sa kanya. Nung minsan kasing nanood ang barkada namin ng GOTHIKA, maya't maya siyang bumubulong sa akin para sabihing, "Robs, ano raw?"

* * * * *

"Ber month" na pala kaya pala uso na ulit ang mga tugtuging pampasko gaya ng JINGLE BELLS. ibang version yan. Pakinggan mo.

8 Comments:

Blogger Krayola said...

hahaha. gusto ko ang post na ito. natatamaan ako.

"merong mga pumipikit, nagtatakip ng mata o kaya naman lumalayo ng tingin. meron ding kumakapit sa braso ng katabi nila na para bang humihingi ng tulong. at meron ding tumititig talaga sa screen at hindi umiiwas ng tingin."

Lahat ata 'yan ay nagagawa ko depende sa palabas at eksena. Pero 'yung nagtatakip ng tenga? Waw, oo nga no, susubukan ko minsan. Mas ayos nang hindi ako makarinig kesa hindi ko makita ang nangyayari.

Tsk. Parang alam ko na yang Jingle Bells Reverse na 'yan. Oo, alam ko 'yan. (Hindi na mauulit 'yon kasi nga nangyari na sa akin hahahaha) :P

8:59 AM  
Blogger rob said...

haha! tinamaan ka ba mahal kong krayola? hehe. ayus lang yan. totoo naman na mas masayang manood ng horror kapag may halong takot eh. kung mas matatakutin ka, mas masaya. :P

epektibo nga ang magtakip ng tenga. hindi ka masyadong magugulat. ganun na lang ang gawin mo pag naisipan mong i-click ulit yung JINGLE BELLS. masaya naman yan eh. hehe.

1:51 PM  
Blogger cyberpunk said...

hehe mahilig din ako sa horror... yung hindi madugo...mas nakakatakot kasi yung psychological ang style ng pananakot...yung tipong hindi ka matatakot talaga habang nanonood, pero after nun at sa mga susunod na araw ay hindi ka makatulog nang patay ang ilaw o kaya kung anu-anong naiimagine mo hehe...

hmmm...gothika? me nakakatakot bang part dun? very mild nga yun :P

11:35 PM  
Blogger rob said...

hello cyberpunk! bihira ang mga horror na hindi masyadong madugo pero mas maganda nga yung mga ganun. yung tipong hindi ipapakita sa yo ang lahat ng pangyayari tapos papaisin ka ng sarili mong konklusyon. talagang dala-dala mo yun hanggang sa pagtulog mo. hehe.

"very mild" pa ba ang GOTHIKA? nagulat din naman ako dun. lalo na yung eksena sa ilalim ng swimming pool. kahit na inaasahan ko na na lalabas yung multo, nagulat pa rin ako. haha!

salamat nga pala sa pagbisita. :)

1:19 AM  
Anonymous Anonymous said...

Sapul ako dito Rob! Napakahilig ko rin sa horror dahil sobrang duwag akong tao. Ni hindi ko nga kinlik yung Jingle Bells at baka nakakatakot yan, nag-iisa pa naman ako ngayon.hehe mamaya na lang pag may araw na.
Bukod sa The Ring, natakot din ako sa The Sixth Sense, What Lies Beneath, Feng Shui at Shutter. Yung huli, madaling-araw ko talaga pinanuod sa dvd para mas feel ko. Epektib naman. 'Di ako nakalabas ng kuwarto pagkatapos dahil nai-imagine ko yung multo.
Teka, naaalala ko na naman...

Ms. D

1:07 AM  
Blogger rob said...

hello ms. d! kamusta na? panalo yung huli mong entry sa blog mo. haha! tawa ako nang tawa kaya lang hindi ako makapagkumento dun. sayang. naka-disable ba yung comment box mo? o, na-click mo na ba yung JINGLE BELLS? panalo rin yan! hehe.

11:47 PM  
Anonymous Anonymous said...

Rob, bastos ka! Na-klik ko ng madaling-araw ang Jingle Bells. Muntik nang magising ang buong kabahayan nung tumili ako. Sabi ko na nga ba eh.
Natuwa ka ba sa last entry ko?:) Sige, check ko kung naka-disable comments.
-Ms. D

2:42 AM  
Blogger rob said...

hehe. sorry ms. d. :P ako nga biglang napa-reset nang di oras eh. peace po tayo ha? peace. :)

8:52 PM  

Post a Comment

<< Home