Uy, Naliligaw Ka Ba? :-)

Thursday, September 21, 2006

saksihan: "100% buntis si kris"

Yan ang headline na tumambad sa akin nang buksan ko ang TV pagkatapos manumbalik ang kuryente. Wow! Talagang 100% ha! Isang daang porsiento. Sino ba ang nagsulat niyan? Matanong nga kita, bakit nakakita ka na ba ng babae na 50% buntis? Sige isipin mo. Ano nakakita ka na? Sige nga, paano siya naging 50% buntis? Dahil ba nangangalahati pa lang ang pagbabiyahe ng semilya at hindi pa siya umaabot sa itlog? Paano kung 75% na ang binabiyahe ng semilya, ano na yun? 75% buntis? Eh kung 95% na ang biniyahe ng semilya, ibig sabihin ba nun 95% buntis na ang babae? Mali. Kahit 99% pa ang biniyahe ng semilya, hangga't hindi sila nagsasama ng itlog, hindi pa rin mabubuntis ang babae. Samakatuwid hindi pa yun buntis. So wala. Maliwanag? Wala talaga niyan dahil wala namang porsiento ang pagbubuntis. Dalawa lang yan -- BUNTIS o HINDI. Kaya sa susunod na may artista na mabuntis, wag mo nang lagyan ng porsiento ha?

Ngayon ang tanong, 100% ba niyan ay kay James? O wag mo akong tingnan. Wala akong alam diyan.

4 Comments:

Blogger mr_d said...

hahahah ayos sa tsismis. hintayin na lang natin kung paglabas ng bata kamukha ni caguiao hahhah

7:44 AM  
Blogger rob said...

hahaha! baka mapa-"no deal" bigla si james pag nakita niya yung mukha ng anak niya. :P

12:51 AM  
Anonymous Anonymous said...

i think it meant 100% "sure" na buntis. hay naku dapat lang na magbuntis at ng matigil na kaartehan nitong si kris!

2:49 AM  
Blogger rob said...

hehe. ganun na nga siguro ang ibig sabihin nung writer. hindi ko lang napatawad dahil may halong pagka-bad trip na rin yun dala nung brownout.

nakow! asahan pa nating matitigil ang kaartehan niyang si kris. sabagay, hindi naman masamang mangarap. :P

11:17 AM  

Post a Comment

<< Home