"kung malaya lang ang puso mo sasabihin ko sa'yo na mahal na mahal kita english"
Kung inaakala mong nagse-senti ako, nagkakamali ka. Oo, ilang araw din akong nawala sa blogosphere pero hindi yan ang dahilan. Hindi ko nga alam kung bakit wala akong maisulat. Na-blanko lang ako na nasamahan na rin ng kaunting katamaran kaya matagal-tagal din akong hindi nakapag-update. Pilit akong naghanap ng inspirasyon. Tungkol saan nga ba ang isusulat ko? Kaya naisipan kong buksan ulit ang aking blog log at doon ko nakita ang mga salitang ito -- "Kung malaya lang ang puso mo sasabihin ko sa'yo na mahal na mahal kita english". Lyrics ba ito ng isang kanta? Meron kasing naghanap niyan sa google at sa blog ko siya napunta. Sa halip na ma-senti ay naligaw siya dito.
Gusto kong matawa nung una ko yang nabasa. Hindi dahil cheesy ang pagkakasulat ngunit dahil may salitang "english" pa sa dulo ng pangungusap. Naisip ko, malamang isa itong lalaking nagbalak magsulat ng love note para sa babaeng kanyang minamahal. Ang problema, ang babaeng ito ay nasa isang romantikong relasyon na. Pero naisip siguro ni lalaki na baka corny kung sa Filipino niya ipapahayag ang kanyang nararamdaman kaya humanap siya ng paraan para isalin ito sa Ingles. Yun lang pala eh -- "If only your heart was free, I will tell you that I love you very much". Haha, ang pangit! Walang dating. Mas maganda pa ring sabihin sa Filipino.
Siguro sa puntong ito, Iniisip mo na pinapahaba ko na lang ito at wala naman talagang patutunguhan ang entry na ito. Tama ka. Isa lang itong mahabang paraan para sabihing, "Oo, buhay pa ako."

8 Comments:
WAHAHAHAHA naaliw ako ngayon! Dalawang beses. Una sa taas ng entry at pangalawa 'yung sa baba.
Mali naman kasi na ganyan ang pag-search na gagawin sa Google e. Sana man lang "tagalog-english translator o dictionary" na lang para mas realistiko. Hahahaha. Sa taong nag-search kung naligaw ka man uli rito dahil nagpumilit ka pa ring i-search ang English translation n'yan, tingin ko hindi rin katagos-tagos sa puso kung sa Ingles mo sasabihin. Pero kung gagawan mo ng tula at included sa mga linya 'yan aba ayos na ayos. Pero baka sa susunod "if only your heart was free, i will tell you that i love you very much poem"
=)) magandang umaga. maganda talaga.
oo nga eh. bakit naman kasi sa google siya pumunta? dapat sa freetranslation o kaya sa babelfish. kaya lang wala atang filipino doon. o baka naman "english" yung pangalan nung babae. hehe.
pero maganda yung naisip mo ah. gawa ka kaya ng tula? baka sa susunod sa blog mo na siya maligaw. hahaha!
kamusta ang midterms? saan ka nga pala nag-aaral? :)
hahaha, gumagawa ako ng mga tula dati pero nawala ko na ang mga scratch ko :(
ang totoo'y wala naman talaga akong pakialam sa midterms na 'yan. 'pag sinabi kong mag-aral = magbasa at magscan ng notes. as usual kamote sa math at science.
sa UERM ako nag-aaral :) at dalawa ang pinapasukan kong esk'wela. maliit ba ang mundo? *kindat*
hehe. bakit mo naman nasabi na maliit ang mundo? ano ba yung isa mong pinapasukan? *kindat*
Tinatanong ko lang kung maliit ba ang mundo at may mga kakilala ka rin sa UERM ;) 'Yun yown.
Maliit lang kasi ang UERM. Medical center, ika nga. Kaya 'yung mga minor subjects ko kinukuha ko pa sa UE Main, d'yan sa Recto. Kaya parte na rin ako ng populasyon sa U-Belt. Hehehe. =)
haha! ayun pala yun. oo naman, may kakilala ako sa UERM. ikaw! kaya pala ang dalas mo sa SM Centerpoint ah. hehe. marami rin akong kilalang taga-UE pero sigurado akong hindi mo na sila naabutan. ;)
hihirit lang..hehehe
tama kayo..mas maganda sa tagalog kesa sa ingles. ikanga nila, mas may kurot (hehehe).
napaisip tuloy ako..may naliligaw rin kaya sa blog ko...at kung meron man..ano kayang "search word"??? whehehe
=P
"tuloy ang ligaya.."
uy death! buti naman at naligaw ka ulit dito. di ba mahilig kang gumawa ng tula? gawan mo kaya ng tula yung "if only your heart was free..."? hehe. kumuha ka na rin ng sitemeter para makita mo rin kung sino ang mga naliligaw sa blog mo. aliw yan! :)
Post a Comment
<< Home