kwento lang
Magkukwento na lang muna ako habang wala pa akong naiisip na paksa. Pero kung tutuusin, halos lahat naman ng nasulat ko na rito ay puro kwento rin. Hindi lang ito kasing haba nung iba. Galing ito sa kaibigan kong si Orange. Nakwento niya sa akin nung kami'y nasa kolehiyo pa na meron daw siyang tita na ang taba-taba-taba. Basta sobrang taba raw talaga nung tita niya. Tapos isang araw bigla na lang siyang nanganak. True story.

6 Comments:
Ganun? Di nila alam na preggy? Kawawa naman yung baby baka napabayaan habang nasa tiyan.
naiisip ko rin dati kung posible pa manganak 'yung sobrang matataba. Pero bakit nga naman hindi magiging posible. Walang imposible. Hahaha :D
hindi nga rob, seryoso?
hehe =p
hahaha!
KNOCK KNOCK TAO po. :)
hello mahal kong krayola! oo, buhay pa ako. :)
Post a Comment
<< Home